Bata pa lang ako, mahilig na ko kumanta. Pero hindi talaga ako marunong, mahilig lang talaga. Maniwala man kayo o hinde, grade 3 pa lang ako, mag-isa na ko umuuwi mula school hanggang bahay…at nilalakad ko lang. Batang Divisoria pa ‘to mga tol. Palagi ko kasi tinatakasan yung yaya kong panget masungit. Minsan ako rin ang tinatakasan niya. Lalu na pag si ‘Adobo’ ang naka-duty na guwardya sa main gate ng school. Kamukha daw kasi ni Allan Paule. Pweh.
Anyway, ang paborito kong gawain habang naglalakad pauwi ay kumanta. Kumanta ng kumanta. Pag bata ka, okay lang kahit kumanta ka ng malakas. Pero pag tanda mo, hindi na uubra yun. Pagkakamalan ka ng may sayad. Kaya sa isip na lang ako kumakanta. Kanina habang nakababad sa bus papasok ng opisina, hindi ko maiwasan mapasabay sa mga kantang pinapatugtog ng driver. Nagkaron tuloy ako ng idea for a blog entry.
1. CRUSH ON YOU by Aaron Carter – Isa ‘to sa mga kantang hindi ko lang memoryado ang lyrics, alam ko pa ang dance steps. Fuck. Mataimtim ko pang pinagdadasal dati na sana pumasok ang video nito sa top 3 man lang ng MTV Weekly Countdown.

2. All NIGHT, ALL RIGHT by Peter Andre – Whoa! Pati ito? Yeah boy. No explanation needed. Just plain absurd.

3. PAINT MY LOVE by Michael Learns to Rock – Ito na siguro ang national anthem ng mga tsuper. At one point sa buhay mo, sigurado akong narinig mo na ‘to habang nasa byahe. Lakas ng tama ng kantang ‘to. Kung sino man ang nagkaroon ng album ng Michael Learns to Rock nung kasikatan nila – may mga sachet ng shabu sa kwarto. Kakaibang ‘tama’ ang kailangan mo para ma-appreciate mo ang mga kanta nila, lalu na tong PAINT MY LOVE. Si ’Michael’ ba yung blondie na vocalist?

4. SOMETIMES by Britney Spears - Nakainom man o hinde, kaya kong magbigay ng (at least) 8 Britney Spears songs at kaya ko silang kantahin lahat. Pero pinaka-paborito ko sa lahat ng SOMETIMES. Video pa lang dinadala na ko sa langit. All white ang suot at labas ang abs ni Britney sa video nito. Perfect combination. Eto rin yung mga panahon na halos lahat ng lalaki sa mundo naglalaway sa kanya. Aminado, may poster ako ni Britney Spears sa kwarto ngayon nuon.

...but all I really want is to hold you tight...
5. STUPID LOVE by Salbakuta – I don’t know if this is accurate, pero naaalala ko nung kasikatan nitong tatlong itlog na ‘to, may isa sa kanila na nanligaw (hahahahahaha) sa kapatid kong sumunod sakin. Hindi ko maalala kung si ‘Charlie Mac’ ba. Basta ang alam ko, kaya kong banatan ang STUPID LOVE kahit nakalublob pa ang ulo ko sa drum ng tubig. STUPID!!
6. DUNLOP SOCKS commercial jingle – Paboritong commercial ng PBA nung ’90s. Next to Acebedo Optical, Coat Saver at Tapal Vulca Seal
Dunlop socks…computer designed, great style, great comfort! We all love our Dunlop…designed for the future, its the socks of the futuuuure, today!! *voice over*
Nuff said.
7. MAHAL PA RIN by Sam Milby – Paborito ko ‘to. Oo. Inaamin ko. Hindi ko gusto si Sam Milby. His weird, retarded smile creeps me out. But this song is well done. Kumbaga sa itlog done well. Gustong gusto kong binibirit ‘to pag may mga nagbubulungan sa tabi. Mga naglalampungan sa sulok. Wala lang, pang-asar sa kanila – pang showtime ng talent sakin.
Tapus mong basahin ang listahan ko, sana friends pa rin tayo. Sana yung katiting na respeto mo sakin bilang tao buo pa. Remember kids, its not about the song – its the moment.
Iba pala ang tama ng expired na Chips Ahoy.
comments and shit